Ang1.docx

Description
Ang Hapon o Hapón[9] /həpɒˈn/ (Hapones: 日本, Nihon o Nippon; tinatawag na 日本 国 Nippon-koku o Nihon-koku na may kahulugang Estado ng Hapon) ay isang bansang matatagpuan sa Silangang Asya. Binubuo ang bansang Hapon ng mga pulo, na ang apat na pinakamalaki ay Honshū, Kyūshū, Shikoku, at Hokkaidō. Isa sa mga pinakamayamang bansa ang Hapon sa mundo na kilala sa mga produktong pang-transportasyon at elektroniks. Ang kabisera nitong Tokyo ay ang pinakamalaking lungsod sa buong mundo. Ang Hapon ay binub

Please download to get full document.

View again

of 27
All materials on our website are shared by users. If you have any questions about copyright issues, please report us to resolve them. We are always happy to assist you.
Information
Category:

Documents

Publish on:

Views: 9 | Pages: 27

Extension: DOCX | Download: 0

Share
Transcript
  Ang Hapon o Hapón[9] /h ə p ɒˈ n/ (Hapones:  日本 , Nihon o Nippon; tinatawag na 日本国  Nippon-koku o Nihon-koku na may kahulugang Estado ng Hapon) ay isang bansang matatagpuan sa Silangang Asya. Binubuo ang bansang Hapon ng mga pulo, na ang apat na pinakamalaki ay  Honshū ,  Kyūshū , Shikoku, at  Hokkaidō . Isa sa mga pinakamayamang bansa ang Hapon sa mundo na kilala sa mga produktong pang-transportasyon at elektroniks. Ang kabisera nitong Tokyo ay ang pinakamalaking lungsod sa buong mundo. Ang Hapon ay binubuo ng 6,852 mga pulo. Karamihan sa mga pulo dito ay mabundok, at ang iba ay may mga bulkan, kabilang na ang pinakamataas na bahagi ng bansa, ang Bundok Fuji.  Ang Hapon ay pang-sampu sa may pinakamalaking populasyon, na may 128 milyong katao. Ang Kalakhang Tokyo, kasama ang Tokyo at ang iba pang nakapalibot na prepektura, ay ang pinakamalaking metropolitanong lugar, na tinitirahan ng 30 milyong katao. May mga pagsasaliksik na nagsasabi na may mga taong nanirahan na sa mga kapuluan ng Hapon noong panahon pa ng paleolitiko.[10]  Ang bansang Hapon ay ang ikatlong pinamalaking ekonomiya sa buong mundo noong 2012 (ayon sa nominal GDP), at ang ikaanim sa pinakamalaking naaangkat at tagapag-angkat. Ito ay kasapi ng mga Nagkakaisang Bansa, G8, at ng APEC.    eograpiya [baguhin | baguhin ang batayan]   Pangunahing lathalain: Heograpiya ng Hapon   Ang Bundok Fuji at ang mga punong seresang namumulaklak at ang Shinkansen ay ang mga imahen ng Hapon  Hapon mula sa kalawakan  Ang Hapon ay isang bansang may mahigit sa tatlong libong mga pulo na matatagpuan sa baybayin ng Pasipiko. Ang panguning mga pulo nito, mula timog hanggang timog, ay ang  Hokkaidō ,  Honshū  (ang pangunahing pulo), Shikoku at  Kyūshū . Ang Kapuluan ng Ryukyu,  kasama ang Okinawa , ay tanikala ng mga pulo sa timog ng Kyushū. Sa kabuuan tinatawag silang Kapuluang Hapones.  Nasa 70% hanggang 80% ng bansa ay kagubatan, mabundok, [18][19]  at hindi angkop sa pagsasaka, industriya, o paninirahan. Ito ay dahil sa pangkahalatang katarikan ng lupa, klima at ang banta ng pagguho ng lupa dahil sa lindol, malambot na lupa at malalakas na ulan. Ito ay nagdulot ng napakataas na densidad ng populasyon sa mga sonang maaaring tirahan na pangunahing matatagpuan sa mga baybayin lokasyon. Isa ang Hapon sa mga bansang may pinakamataas ang densidad ng populasyon sa buong mundo. [20]   Ang lokasyon nito sa Pacific Ring of Fire, sa sugpungan ng tatlong platong tektoniko, ang nagbibigay sa Hapon ng madalas na mahihinang pagyanig at okasyunal na aktibidad ng mga bulkan. Ang mga malalakas ng lindol, na kadalasang nagdudulot ng tsunami, ay nagaganap ng ilang ulit bawat isang dantaon. [21]      Shiranesanzan (mula kaliwa pakanan: Bundok Nōtori, Bundok A ino, Bundok Kita), tanaw mula Bundok Kenashi sa Prepektura ng Shizuoka.  Klima [baguhin | baguhin ang batayan]   Pangunahing lathalain: Klima ng Hapon   Ang klima ng Hapon ay pangkalahatang katamtaman, subalit labis na nag-iiba mula hilaga patimog. [22]   Ang katangiang heograpikal ng Hapon ay nahahati sa anim na pangunahing sonang pangklima:    Hokkaidō : Ang pinakahilagang sona na may katamtamang klima na may mahaba, malamig na taglamig at malamig na tag-araw. Hindi madalas ang pag-ulan, subalit ang mga pulo ay kadalasang nakakabuo ng malalalim na niyebe tuwing tag-lamig.    Dagat ng Hapon : Sa kanlurang bahagi ng Honshū, ang hanging hilagang kanluran tuwing taglamig ay nagbibigay ng maraming niyebe. Tuwing tag-init,a ng rehiyon ay mas malamig kaysa sa bahaging Pasipiko, subalit paminsan minsan ay nakakaranas ng mainit na temperatura, dahil sa hindi pangkaraniwang hanging foehn     Gitnang Kabundukan: May tipikal na klimang panloob, na may malaking pagkakaiba sa temperatura sa pagitan ng tag-init at tag-araw, at sa pagitan ng araw at gabi. Ang pag-ulan ay hindi madalas.    Panloob na Dagat ng Seto: Ang kabundukan ng  Chūgoku  at ang rehiyong Shikoku ay humaharang sa pana=panahong pagbabago ng hangin, at nagbibigay ng mahinahon na klima sa kabuuan ng taon.    Karagatang Pasipiko: ang silangang baybayin ay nakakaranas ng malamig na tag-lamig na may kakaunting niyebe, at mainit, maalinsangang tag-init dahil sa timog-silangang hangin.    Kapuluan ng Ryukyu: Ang kapuluan ng Ryuku ay may klimang subtropikal na may mabanas na tag-lamig at mainit na tag-init. Madalas ang pag-ulan, lalo na tuwing panahon ng tag-ulan. Ang mga bagyo ay madalas. Kultura [baguhin | baguhin ang batayan]     Sining [baguhin | baguhin ang batayan]      Ang mga tradisyonal na sining Hapones ay kinabibilangan ng mga kasanayang seramiko, textile,   lacquerware, mga espada at mga manika; mga pagganaap ng bunraku, kabuki, noh, pagsasayaw at rakugo; gayundin ang seremonya ng tsaa, ikebana, martial arts,   kaligrapiya, srcami, onsen, Geisha at mga laro.   Panitikan [baguhin | baguhin ang batayan]      Ang pinakamaagang mga akda ng panitikang Hapones ay kinabibilangan ng mga   kronikang Kojiki at Nihon Shoiki at antolohiyang tulang  Man'yōshū  na mula ika-8 siglo at isinulat sa   karakter na Tsino. Sa maagang panahong Heian, ang mga sistema ng ponograma na kilala bilang kana (Hiragana at Katakana) ay binuo. Ang Kuwento ng Tagaputol ng Kawayan ay itinuturing na   pinakamatandang salaysay na Hapones. Ang salaysay ng buhay sa korte na Heian ay ibinigay   sa  Makura no Sōshi  ni  Sei Shōnagon  samantalang ang  Ang Kuwento ni Genji ni Murasaki   Shikibu ay kadalasang inilalarawan bilang ang kauna unahang nobel sa mundo. Noong panahong   Edo, ang  chōnin  o mga taong bayan ang naging mga manunulat at mambabasa sa halip na ang aristokrasyong samurai. Ang kasikatan ng mga akda ni Saikaku halimbawa ay naghahayag ng  pagbabago sa mambabasa at manunulat samantalang muling binuhay ni Bashō  ang tradisyong tula ng  Kokinshū  sa kanyang haikai (haiku). Ang panahong Meiji ay nakakita ng pagbagsak ng mga   anyong panitikang tradisyonal. Sina  Natsume Sōseki  at  Mori Ōgai  ang mga unang modernong   nobelista ng Hapon na sinundan nina  Ryūnosuke Akutagawa ,  Jun'ichirō Tanizaki , Yukio   Mishima at Haruki Murakami. Ang mga manunulat na sina Yasunari Kawabata at  Kenzaburō Ōe  ay nagwagi ng Gantimpalang Nobel sa Panitikan noong 1968 at 1994.   Demograpiya [baguhin | baguhin ang batayan]     Pangunahing lathalains: Demograpiya ng Haponat  Mga Hapones    Isang tanaw ng tawiran sa Shibuya, isang halimbawa ng mataong kalsada sa Tokyo.    Ang Greater Tokyo Area ay ang pinakamataong pook metropolitan sa buong mundo na may 35 milyon katao.    Ang populasyon ng Hapon ay tinatayang nasa 127.3 milyon. [23]   Ang lipunang Hapones ay   magkakatulad sa pananalita at kultura na may maliit na bilang ng mga banyagang manggagawa. [24]   Ang mga Koreano, [25]  Tsino, Pilipino, mga Brasilyanong Hapones, [26]  Perubyanong   Hapones ay ang ilan lamang sa mga maliliit na minorya sa Hapon. [27]  Noong 2003, mayroong   tinatayang 136,000 kanluraning taga-ibang bansa ang nasa Hapon. [28]   Ang pinakanangingibabaw na   katutubong pangkat etniko ay ang mga Taong Yamato; ang pangunahing pangkat minorya ay   kinabibilangan ng katutubong mga  Ainu [29]  at mga Ryukyuano, pati rin ang pangkat minoryang   panlipunan gaya ng mga  burakumin . [30]      Ang Hapon ay isa sa mga bansang may mataas na antas ng inaasahang haba ng buhay sa buong   daigdig, sa gulang na 81.25 na taon noong 2006. [31]   Ang populasyong Hapones ay mabilis na   tumatanda, epekto ng baby boom  pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig na sinundan ng pagbaba ng ipinapanganak noong huling bahagi ng ika-20 dantaon. Noong 2004, nasa 19.5% ng populasyon ang may gulang na higit sa 65. [32]   Ang pagbabago sa istrukturang demograpiko ay nagdulot ng ilang mga isyung panlipunan, lalo na ang posibleng pagbaba ng populasyon ng mga manggagawa at ang pagtaas ng gastos ng mga benepisyong panlipunang paseguruhan gaya ng pampublikong planong pensiyon. Maraming mga kabataang Hapones ang tumataas ang pagnanais na hindi mag-asawa o magkapamilya   pagtumanda. [33]   Ang populasyon ng Hapon ay inaaasahang bababa sa 100 milyon pagdating ng   2050 at aabot sa 64 milyon pagdating ng 2100. [32]   Ang mga Demograpo at ang taga-plano sa pamahalaan ng Hapon ay kasalukuyang nasa mainit na debate kung paano masusulusyunan ang   suliranin. [33]   Ang Imigrasyonat pagkakaroon ng insentibo sa mga bagong panganak ay minsang   iminungkahing solusyon upang makapagbigay ng mga batang manggagawa upang matugunan ang tumatandang populasyon ng bansa. [34][35]  Dumaranas ang bansang Hapon sa mataas na antas ng pagpapakamatay. [36][37]  Noong 2009, ang   bilang ng nagpapakamatay ay lumagpas sa 30,000 sa ika-12 sunod sunod na taon. [38]   Ang   pagpapakamatay ay pangunahing sanhi ng kamatayan sa mga taong nasa gulang na 30. [39]      Pamana ng kasaysayan   Biyernes, Oktubre 18, 2013  Ang Bansang Hapon    Ang bansang Hapon ay kilala sa bansag na Land of the Rising Sun, bansa   ng mga samurai at anime, bansa ng matataas na uri ng teknolohiya at higit sa lahat bansa ng makukulay at magagandang kultura at mga ritwal.
Related Search
We Need Your Support
Thank you for visiting our website and your interest in our free products and services. We are nonprofit website to share and download documents. To the running of this website, we need your help to support us.

Thanks to everyone for your continued support.

No, Thanks